Balita

Obrero tigok sa landslide

- Bella Gamotea

Patay ang isang obrero makaraang matabunan ng gumuhong lupa sa isang constructi­on site sa Muntinlupa City, nitong Lunes ng hapon.

Binawian ng buhay sa Ospital ng Muntinlupa si Hedito Sagawa, nasa hustong gulang, constructi­on worker, dahil sa matinding pinsala sa katawan.

Sa inisyal na ulat ng Muntinlupa City Police, naganap ang insidente sa isang constructi­on site sa panulukan ng Industry at Finance Streets, Madrigal Business Park 1, Ayala Alabang sa nasabing lungsod, bandang 2: 10 ng hapon.

Dahil sa tuluy- tuloy na pag- ulan, lumambot ang lupa sa lugar kaya gumuho ang isang bahagi ng hinukay ng mga constructi­on worker at natabunan si Sagawa.

Agad naiahon ang biktima at isinugod sa ospital ngunit dead on arrival.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines