Balita

5 tiklo sa pagtagay, ‘marijuana’

- Bella Gamotea

Limang lalaki, kabilang ang dalawang estudyante, ang inaresto ng Las Piñas City Police dahil sa pag- inom ng alak at nakumpiska­han ng mahigit isang kilo ng hinihinala­ng marijuana sa lungsod, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga suspek na sina Justine Pialago y Morales, 19; at Christian Villanueva y Gejon, 19, kapwa estudyante; Jansen Tenz Santillan y Bantag, 25; Miguel Erickson Vibora y Lima, 19; at Gene Joyosa y Lima, 24, pawang ng Barangay Manuyo Dos, Las Piñas City.

Sa ulat na ipinaratin­g ng Southern Police District (SPD), inaresto ang mga suspek sa C-5 Extension, sa Bgy. Manuyo Dos, dakong 4:30 ng madaling araw.

Sa pagpapatup­ad ng awtoridad sa mga ordinansa, nadatnan nila ang mga suspek na nag- iinuman at inaresto hanggang sa nasamsam ang P120,000 halaga ng umano’y marijuana.

Idiniretso ang mga suspek sa presinto at sasampahan ng kasong paglabag sa ordinansa ( drinking in a public place) at Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines