Balita

Preso nakuhanan ng droga

- Orly L. Barcala

Hindi pa man naaabsuwel­to sa kasong kinakahara­p, panibagong asunto ang isinampa laban sa isang dalaga nang makumpiska­han ng umano’y shabu sa loob ng selda sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Kasong paglabag sa RA 9165 ( Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2022) ang bagong kaso ni Jocely Reyes, alyas Neneng, 24, ng No. 79 Adelfa Street, Barangay Tanza ng nasabing lungsod.

Sa ulat, nagsagawa ng routine inspection sa selda ng Navotas Police Station na nakabase sa Bgy. Sepac Almacen ng lungsod, dakong 1: 00 ng madaling araw.

Napansin na gising pa si Reyes at tila aligaga, kaya sinita ng awtoridad.

Nakita rin na kuyom ang kanang kamay nito at tuluyang nasamsam ang isang pakete ng umano’y shabu.

Si Reyes ay una nang nahaharap sa kaso ng ilegal na droga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines