Balita

Kelot natagpuang nakabigti sa apartelle

-

Masusing iniimbesti­gahan ng Makati City Police ang pagkamatay ng isang lalaki na natagpuang nakabigti sa loob ng inuupahan nitong kuwarto sa isang apartelle sa lungsod, kamakalawa ng hapon.

Bangkay na nang madiskubre si John Christian Soliman, nasa hustong gulang.

Base sa ulat, natagpuang nakabigti ang biktima sa loob ng kuwarto ng isang apartelle sa Sergeant F. Yabut Street, Barangay Guadalupe ng nasabing lungsod, bandang 3:20 ng hapon.

Sa pahayag sa awtoridad ng duty bellboy na si Ber Janhel Maghari, nag-check in si Soliman sa apartelle bandang 3: 20 ng madaling araw nitong Hulyo 9, at nakatakdan­g mag- check out sa ganap na 3:20 ng hapon noong araw ding iyon.

Subalit nakailang katok na umano si Maghari ay hindi siya pinagbubuk­san ng biktima, kaya napilitan siyang buksan ang pinto at tuluyang tumambad ang biktima.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines