Balita

Nakatengga­ng R10- M tulay, inirerekla­mo

- Light A. Nolasco

SAN JOSE CITY - Nanawagan si San Jose City, Nueva Ecija Mayor Mario Salvador sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na imbestigah­an ang matagal nang naantalang konstruksi­yon ng isang tulay, na ginastusan pa ng P10 milyon, sa nasabing lungsod.

Nagpasaklo­lo ang alkalde kay DPWH Secretary Mark Villar, upang masilip ang nasisira nang tulay na matatagpua­n sa Barangay Sibut.

Aniya, pinabayaan na lamang ng contractor ng proyekto ang nasabing tulay.

“Gagawa nga sila nang bahagya, tapos matagal na panahong nakatengga”, ayon sa alkalde.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines