Balita

4 timbog sa pot session

- Leandro Alborote

TARLAC CITY – Apat na katao na umano’y lulong sa ipinagbaba­wal na gamot ang nasakote ng awtoridad sa pot session sa Block 4, Barangay Sto. Cristo, Tarlac City, nitong Lunes ng hapon.

Kinilala ni Insp. Wilhelmino Alcantara ang mga inaresto na sina Renato Briones, 51, barangay tanod, ng nasabing lugar; Felix Ranar, 43, ng Bgy. Sapang Maragul, Tarlac City; Romeo Santiago, 38, ng Zone 3, Bgy. Maliwalo; at Carlos Pingol, 31, ng Block 9, Bgy. Sto.Cristo, Tarlac City.

Bago ang pag-aresto, nadiskubre umano ni Alcantara na may nagpa-pot session sa mismong bahay ni Briones. Hindi na nakapalag ang apat nang posasan sila ng awtoridad. Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines