Balita

Kagawad umawat, patay

- Erwin Beleo

CAMP DIEGO SILANG, La Union – Dead on arrival sa ospital ang isang barangay kagawad makaraang masaksak sa victory party ng mga kandidato sa Tio-angan, Bagulin, La Union, nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ni La Union police informatio­n officer, Chief Insp. Silverio Ordinado, Jr., ang biktima na si Reynaldo Piloy at ang suspek na si Andres Sangao, kapwa residente ng nasabing barangay.

Sa imbestigas­yon, inawat ni Piloy ang nagtatalon­g grupo habang nagiinuman nang mag-init umano ang ulo ni Sangao at kumuha ng kutsilyo saka pinagsasak­sak ang biktima.

Patuloy ang pagtugis kay Sangao.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines