Balita

10,000 Bora workers, tumanggap ng gov’t aid

- Mina Navarro

Tumanggap ng financial assistance ang aabot sa 10,000 Boracay workers, na naapektuha­n ng anim na buwang rehabilita­syon ng isla.

Pinangunah­an ni Department of Labor and Employment (DoLE) Secretary Silvestre Bello III ang pamamahagi ng cash cards sa libulibong manggagawa, alinsunod na rin sa ipinatutup­ad na Boracay Emergency Employment Assistance ( BEEP)- Adjustnmen­t Measures Program (AMP).

Ibinigay naman sa ikatlong batch ng mga benepisyar­yo ang tulong pinansiyal sa ilalim ng Tulong Panghanapb­uhay sa Ating Disadvanta­ged/Displaced Workers (TUPAD) program.

Paliwanag ni Bello, malaking tulong din sa mga manggagawa ang ang nasabing ayuda dahil anim na buwan silang walang kinikita mula nang simulan ang rehabilita­syon nitong nakaraang Abril 26.

"We have so far provided assistance to around half of the total number of profiled affected workers in the formal and informal sector. DOLE will continue to reach out to other affected workers for them to avail of the available assistance and reach our target of providing aid to over 20,000 profiled workers," sabi pa ng kalihim.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines