5 sugatan sa aksidente
VICTORIA, Tarlac - Sugatan ang limang katao nang magsalpukan ang sinasakyan nilang motorsiklo at tricycle sa Victoria, Tarlac, nitong Lunes ng umaga.
Isinugod sa ospital sina Frankie Juan, 43, driver; Erlinda Gutierrez, 24; Kurt Reyven, 1; Ruben Gutierrez III, 4, ng Barangay San Nicolas, Victoria, Tarlac; at Lyca Bahala, 21, ng Bgy. San Fernando ng nasabing bayan.
Naganap ang insidente sa Victoria- San Andres Road, Bgy. Sta. Lucia, Victoria, Tarlac, bandang 9:00 ng umaga.
Minamaneho ni Juan ang tricycle at patungo sa Bgy. San Andres nang masalpok ang motorsiklo.