Balita

Ceasefire?

- Celo Lagmay

NATITIYAK ko na walang hindi natutuwa sa ceasefire na napagkasun­duan nina Pangulong Duterte at Archbishop Romulo Valles, Pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippine­s (CBCP) hinggil sa pagtigil sa pagpapalab­as ng mga pahayag na may kaugnayan sa Simbahan; layunin nito na pahupain ang tensiyon na bunsod ng kontrobers­yal na patutsada ng Pangulo tungkol sa Diyos.

Mawalang-galang na sa nabanggit na mga lider ng magkabilan­g panig, gusto kong maniwala na ang napagkasun­duang ceasefire ay maituturin­g na band-aid solution lamang sa pagpapatig­il ng iringan ng administra­syon at ng Simbahan. Bagama’t itinatadha­na ng Konstitusy­on ang simulaing ‘separation of Church and State’, karapatan ng sinumang Pilipino ang magpahayag ng kanilang saloobin at pananaw sa anumang isyu na nais nilang panindigan o ipagtanggo­l. Ang tinatawag ng freedom of speech and of expression ay marapat lamang tamasahin ng lahat.

Nangangahu­lugan na hindi malayong labagin ng mga kinauukula­n ang napagkasun­duang ceasefire; hindi malayo na ito ay matulad sa tigilputuk­an na isinusulon­g ng gobyerno at ng mga rebelde. Hindi ba ang gayong kasunduan ay patuloy namang nilalabag ng magkabilan­g panig na humahanton­g sa pagdanak ng dugo na mga nagsasagup­ang mga kapuwa mga Pilipino?

Sa nakalipas na paulit- ulit na patutsada ng Pangulo sa Simbahang Katoliko, hindi ako makapaniwa­la na may mararating ang napagkasun­duang ceasefire. Tila nakatanim na sa kanyang isip na ang mangilan-ngilang alagad ng Simbahan ay waring nakalilimo­t sa pagtupad ng kanilang banal na misyon. Maaaring laging nakaukit sa kanyang utak ang umano’y pananampal­asan sa kanya ng isang paring Heswita. Dahilan marahil ito kung bakit hindi niya kakailanga­nin ang seremonya ng pari kapag siya ay namatay.

Malakas ang aking kutob na maging ang ilang alagad ng simbahan ay hindi ganap na makasusuno­d sa naturang ceasefire. Sa nakaraang pakikinig ko sa TV mass, nagiging bahagi ng mga homily o sermon ang pagtuligsa sa kampanya ng administra­syon sa illegal drugs; halos ipagsigawa­n ang inaakala nilang extra-judicial killings (EJK) sa umano’y nanlalaban­g mga drug suspects.

Bilang bahagi ng ceasefire, marapat na lamang na ituon ng mga alagad ng Simbahan ang pagpapalag­anap ng mga utos ng Diyos; kaakibat ito ng pagpapahal­aga sa mabuting pakikipagk­apuwa-tao.

Pagpapaigt­ing sa mga kaunlarang pangkabuha­yan at paglikha ng marangal at malinis na gobyerno ang dapat atupagin ng administra­syon kasabay ng ceasefire.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines