Balita

DongYan, Dennis at Jennylyn request sa ‘giant teleserye’

- Nitz Miralles

K AYA pala “giant teleserye” ang tawag sa pagsasamah­an nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo, dahil malaking proyekto ang Cain at Abel. Considered din na Primetime actors ng GMA-7 ang dalawa, na first time magsasama sa action drama, kaya malaking proyekto nga ito.

Ang nadinig namin, nasimulan nang sulatin ang script, dahil sa August ang target schedule ng taping for September airing siguro. Nagka- casting na rin at sabi, pinipili pa ang direktor. Pero tiyak na may napili nang direktor, ayaw pa lang ipaalam.

Wala pa kaming narinig kung sino ang magiging leading lady nina Dingdong at Dennis sa Cain

at Abel. Suhestiyon tuloy ng Kapuso viewers, bakit hindi ang real life partners na lang nilang sina Marian Rivera at Jennylyn

Mercado na lang ang kunin? Sa GMA Anniversar­y at Thanksgivi­ng Party ay nagkasama ang apat. Nakunan sila ng litrato, kaya nag-wish tuloy ang Kapuso fans na sana ay pagsamahin ang apat sa isang teleserye. Bakit nga naman hindi ito simulan sa Cain

at Abel, kahit mag-guest lang sina Marian at Jennylyn?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines