Balita

Randle, pumirma sa Pelicans

-

NEW ORLEANS (AP) – Lumagda ng kontrata sa New Orleans Pelicans ang free-agent guard na si Elfrid Payton, habang pumayag si Ian Clark ng isang taong kontrata para manatili sa Pelicans.

Pormal ding ipinahayag ng management ang paglagda ni dating Lakers forward Julius Randle ng dalawang taong kontrata na nagkakahal­aga ng US$18 milyon.

Ang 6’4” na si Payton ay native ng New Orleans at naglaro sa Louisiana-Lafayette sa kolehiyo. Apat na season siyang naglaro sa Orlando Magic bago nai-trade sa Phoenix nitong Pebrero. Naitala niya ang averaged 11.2 puntos at 6.4 assists. Makakasama ni Payton sa back-court sina Jrue Holiday at E’Twaun Moore.

Naitala naman ni Clark ang averaged 7.4 puntos sa nakalipas na season.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines