Balita

Na-dengue sa Metro, lumobo sa 7,200

- Mary Ann Santiago

Pinayuhan kahapon ng Department of Health (DoH) ang publiko na magdoblein­gat kontra dengue matapos na dumami ang dinapuan ng nakamamata­y na sakit sa bansa ngayong taon.

Sa panayam sa radyo, sinabi ni Health Undersecre­tary Eric Domingo na sa Metro Manila pa lamang ay umabot na sa 7,200 dengue cases ang naitala ngayong taon. Mas mataas, aniya, ito ng 25% kumpara sa 5,800 kaso sa kahalintul­ad na petsa noong 2017.

Dumami rin ang kaso ng dengue sa Ilocos Region sa 80%; at Cagayan Valley, 66%, kumpara noong nakaraang taon, habang dumami rin ang na-dengue sa Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, at Northern Mindanao.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines