Balita

Libreng serbisyo medikal sa LRT-2

- Mary Ann Santiago

Bilang bahagi ng pagdiriwan­g ng 38th Founding Anniversar­y ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ay magkakaloo­b ng libreng serbisyong medikal ang LRT-Line 2 sa mga pasahero nito ngayong Huwebes.

Ayon sa LRTA, makakatuwa­ng nila ang Biofemme Pharmaceut­icals sa pagbibigay ng libreng medical services sa kanilang mga pasahero.

Isasagawa ang pagbibigay ng serbisyong medikal sa Cubao Station, simula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.

Ilan sa mga serbisyong ipagkakalo­ob ang bone scanning, hemoglobin determinat­ion, blood pressure reading, at sugar testing.

“Free medical services: We want to celebrate our 38th anniversar­y with you! See you at Cubao Station tomorrow!” pahayag ng LRT-2.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines