Balita

Rerouting sa Maynila para sa INC event

- Bella Gamotea

Para sa “Worldwide Aid to Fight Poverty” ng Iglesia ni Cristo (INC), pansamanta­lang isasara ang ilang kalsada sa Maynila sa Hulyo 14 at 15, Sabado at Linggo.

Sa abiso ng Metropolit­an Manila Developmen­t Authority (MMDA) ,sarado ang Katigbak Drive, South Drive at Independen­ce Road simula 6:00 ng gabi sa Sabado.

Pagsapit ng Hulyo 15, sa ganap na 12:01 ng umaga, ay isasara naman ang Road 10, mula sa Moriones hanggang sa Delpan Bridge; Bonifacio Drive, Delpan Bridge-Katigbak Drive; Roxas Boulevard, Katigbak Drive-P. Ocampo; east at westbound lanes mula sa P. Burgos, Lagusnilad-Roxas Boulevard; Finance Road, Taft Avenue-P. Burgos; westbound ng TM Kalaw, M.H del Pilar-Roxas Boulevard; at westbound ng Pres. Quirino, M.H. del Pilar-Roxas Boulevard.

Ayon sa MMDA, ang mga dadaan sa southbound ng R-10 ay dapat kumaliwa sa Moriones Street, habang ang mula sa Pasay area na pa-northbound ng Roxas Boulevard ay pinakakana­n sa P. Ocampo Street, o baybayin ang Roxas Boulevard Service Road.

Ang mga galing sa tatlong tulay na pa-southbound ng Roxas Boulevard pinadidire­tso sa Taft Avenue, samantalan­g ang mga galing sa Ayala Bridge ay maaaring kumaliwa o kumanan sa Taft Avenue.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines