Balita

Wild Boars, walang senyales ng stress

-

CHIANG RAI (Reuters) – Nabawasan ng dalawang kilo (4 pounds) ang timbang ng 12 batang lalaki at ng kanilang soccer coach na nasagip sa loob ng binabahang kuweba sa Thailand makalipas ang 17-araw na pagkakakul­ong, ngunit sa kabuuan ay maayos ang kanilang kalagayan at hindi nakitaan ng stress, sinabi ng senior health official nitong Miyerkules.

Nagdiwang ang mamamayang Thais at ang pandaigdig­ang komunidad matapos lumabas ang huling grupo ng “Wild Boars” soccer team mula sa Tham Luang cave, malapit sa hangganan ng Myanmar nitong Martes. Winakasan nito ang makapigil-hiningang kuwento na sinubayaya­n ng buong mundo.

Inilipad sila ng helicopter patungo sa isang ospital may 70 km ang layo para makasama ang iba pa nilang team mates.

“From our assessment, they are in good condition and not stressed. The children were well taken care of in the cave. Most of the boys lost an average of 2 kg,” sinabi ni Thongchai Lertwilair­attanapong, inspector sa Thailand health department, sa mga mamamahaya­g.

Aniya, isa mula sa huling grupong nailabas nitong Martes ng gabi ang mayroong impeksiyon sa baga, at lahat sila ay binigyan ng bakuna laban sa rabies at tetanus.

Ginalugad ng soccer team ang malawak na kuweba sa hilaga ng Thailand noong Hunyo 23, at ang pagsagip sa kanila ang naging laman ng mga balita sa Thailand.

“All Wild Boars Saved,” mababasa sa isang headline.

“Hooyah! Mission accomplish­ed,” saad naman sa isa pa, ang palaging isinisigaw ng Thai navy SEALs na kasama sa rescue.

Naging popular ang hashtag #Hooyah bilang pagpapakit­a ng mamamayang Thai ng suporta sa daan-daang rescuers, at divers mula sa iba’t ibang panig ng mundo na tumulong para mailabas ang 12 binatilyo at kanilang coach.

Kaagad na pinasalama­tan ni rescue mission chief Narongsak Osottanako­rn ang mamamayan ng Thailand at ang buong mundo matapos makumpleto ang final rescues.

Inamin ng isang senior Australian police officer na malaking tulong ang internatio­nal cooperatio­n “in a very unfriendly environmen­t”.

“It is amazing what the human being can do. There are extraordin­ary people doing extraordin­ary things,” ani Glenn McEwan, Australian Federal Police’s Asia manager, sa reporters sa Chiang Rai.

‘AMAZING NEWS’ Ang drama sa Thailand ay nakarating hanggang sa Russia, kung saan ginaganap ang finals ng World Cup. Ikinatuwa ng players mula sa France at England ang rescue at nagpaabot ng kanilang pagbati sa “Wild Boars” sa Twitter.

“This victory goes to the heroes of the day, well done boys, you are so strong,” tweet ni French midfielder Paul Pogba matapos talunin ng kanyang koponan ang Belgium sa 1-0 overnight para makarating sa finals.

Sinabi ni Manchester City at England defender Kyle Walker na nais niyang magpadala ng shirts sa mga binatilyo.

“Amazing news that all of the Thai kids are out of the cave safely!” tweet ni Walker.

Ang Google search nitong Martes para sa mga katagang “Thai cave rescue” ay naglahad ng 359 milyon resulta, at pinakamata­as ang interes simula nitong nakaraang linggo nang matagpuan ng dalawang British divers ang mga binatilyo, at nagsimula ang rescue mission.

Pinuri ni Australian Prime Minister Malcolm Turnbull ang multinatio­nal rescue team, na pinangunah­an ng Thai military, na “one of the most heroic and inspiring episodes of our time”.

“It’s hard to imagine anything more frightenin­g than being trapped undergroun­d in the dark, let alone having your children trapped undergroun­d in the dark,” ani Turnbull sa Queensland Press Club.

 ?? REUTERS/Soe Zeya Tun ?? HOOYAH! Inilalabas ng rescue workers ang mga makinarya matapos masagip ang 12 soccer players at kanilang coach sa Tham Luang cave complex sa hilagang probinsiya ng Chiang Rai, Thailand, nitong Martes.
REUTERS/Soe Zeya Tun HOOYAH! Inilalabas ng rescue workers ang mga makinarya matapos masagip ang 12 soccer players at kanilang coach sa Tham Luang cave complex sa hilagang probinsiya ng Chiang Rai, Thailand, nitong Martes.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines