Balita

Obispo ng Antipolo

- Mary Ann Santiago

Itinalaga ni Pope Francis ang unang auxiliary bishop ng Diocese of Antipolo.

Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippine­s (CBCP), si Fr. Nolly Buco, 54, ang unang pari na itinaas sa episcopate at una ring auxiliary bishop sa 35-taong kasaysayan ng diocese.

Si bishop-elect Buco ay 24-taon nang pari at nagsisilbi­ng parish priest ng Our Lady of Light Parish sa Cainta, Rizal.

Wala pang itinakdang petsa ang CBCP kung kailan pormal na manunungku­lan sa kanyang bagong posisyon si Buco.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines