Balita

30 OFWs umuwi

- Mina Navarro

May 30 Pilipino ang umuwi kahapon mula sa Abu Dhabi.

Sinalubong sila ng mga opisyal ng Overseas Workers Welfare Administra­tion (OWWA) sa Terminal 1 ng Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NAIA) dakong 9:10 ng umaga.

Nilinaw ng OWWA na ang mga ito ay hindi makatatang­gap ng P5,000 tulong pinansyal na nakalaan para sa overseas Filipino workers na nasa ilalim ng repatriati­on program ng United Arab Emirates.

Gayunpaman, tatanggap sila ng P22,000 tulong pangkabuha­yan bilang sa ilalim ng Balik Pinas, Balik Hanap-Buhay program ng OWWA at transporta­tion allowance.

Ilan sa mga Pinoy ay dumating sa Gitnang Silangan gamit ang tourist visas, at nakulong bago sila napauwi. Ang iba naman ay pinilit na humingi ng proteksyon sa Embahada ng Pilipinas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines