Balita

Apple self-driving car trade secrets, ninakaw

-

SAN FRANCISCO (Reuters) – Kinasuhan nitong Lunes ng U.S. authoritie­s ang isang dating empleyado ng Apple Inc ng pagnanakaw ng trade secrets, sa pag-download ng blueprint ng self-driving car sa personal laptop bago tinangkang tumakas sa bansa patungong China, ayon sa criminal complaint na inihain sa federal court.

Nakasaad sa reklamo na ang dating empleyado na si Xiaolang Zhang, ay inihayag ang kanyang intensiyon na magtrabaho sa isang Chinese selfdrivin­g car startup at nag-book ng last-minute flight patungong China matapos i-download ang plano para sa circuit board ng self-driving car. Inaresto ng mga awtoridad si Zhang nitong Hulyo 7 sa San Jose airport matapos siyang dumaan sa security checkpoint.

“We’re working with authoritie­s on this matter and will do everything possible to make sure this individual and any other individual­s involved are held accountabl­e for their actions,” saad sa pahayag ng Apple.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines