Balita

Abe bumisita sa mga binaha

-

KUMANO (Reuters) - Bumisita si Prime Minister Shinzo Abe sa binahang lugar sa Japan kahapon sa gitna ng mga pangamba sa kalusugan dahil sa mainit na panahon at banta ng mga panibagong pagbaha.

Umabot na sa 176 katao ang namatay at dosedosena pa ang nawawala sa baha at landslide na dulot ng matinding ulan sa kanluran ng Japan nitong nakaraang linggo. Ito na ang pinakamala­lang weather disaster ng bansa simula 1982.

Matapos suyurin ang pinsala sa Okayama, isa sa mga lugar na pinakamati­nding tinamaan, sakay ng helicopter ay binisita naman ni Abe ang isang siksikang evacuation center at kinumusta ang mga naroon.

Nangako ang kanyang gobyerno ng paunang $4 bilyon para sa recovery, at ng special budget kung kinakailan­gan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines