Suicide bombing sa rally, 13 patay
PESHAWAR (AFP) – Patay ang 13 katao, kabilang ang isang politiko, sa suicide bombing sa isang election rally sa hilagang kanluran ng Pakistan nitong Martes.
Pinuntirya ng pag-atake ang campaign event sa lungsod ng Peshawar ng Awami National Party, ilang oras matapos sabihin ng Pakistan military na mayroong security threats bago ang halalan sa Hulyo 25.
‘’The attack killed at least 13 people, including (Haroon) Bilour,’’ sinabi ni Peshawar city police chief Qazi Jameel sa AFP. Ayon sa mga opisyal, 54 katao ang nasugatan.
Si Haroon Bilour ay isa sa mga kandidato ng ANP sa halalan at nagmula sa isang maimpluwensiyang political family sa Khyber-Pakhtunkhwa province, na kabisera ang Peshawar.
‘’According to our initial investigation, it was a suicide attack and Haroon Bilour... was the target,’’ sinabi ni police official Shafqat Malik.