Balita

R1.3- T uutangin, kailangan ba talaga?

- Ni LEONEL M. ABASOLA

Dadaan sa butas ng karayom ang binabalak ng pamahalaan­g Duterte na mangutang ng P1.3 trilyon sa susunod na taon upang ipantustos sa Build, Build Build program na isinusulon­g ng administra­syon.

Tiniyak ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na hihimayin nilang maigi ang plano ng gobyerno upang matiyak na mapunta ito sa tama.

Ayon kay Recto, masyadong malaki ang nasabing halaga at lolobo pa ito dahil patuloy ang pagbagsak ng halaga ng piso laban sa dolyar

Ang uutanging P1.3 trilyon ay ipambabaya­d din daw sa maturing debts at capital outlay na pinasok ng pamahalaan upang maisulong ang programa.

Nagtataka naman si Sen. Panfilo Lacson kung bakit patuloy pa rin ang pangunguta­ng ng pamahalaan.

Aniya, kailangan pag-aralan na rin ng economic advisers kung ang pangunguta­ng ba ang susi para sa kaunlaran ng bansa.

Tinukoy din ni Lacson na nakabimbin ang mga proyekto, bukod sa talamak pa rin ang kurapsiyon, at mahina naman ang koleksiyon ng pamahalaan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines