Balita

Counseling para sa ina ng batang iniwan sa kotse

-

Upang matiyak ang kanyang kakayahan na mag-alaga ng bata, isasailali­m sa counseling ang ina ng isang taong gulang na lalaki na inabandona sa loob ng sasakyan sa Pasig City, kamakailan.

Personal na nakausap ni Department of Social Welfare and Developmen­t (DSWD) Secretary Virginia Orogo ang ina ng bata na labis ang pagsisisi sa pagiwan sa kanyang anak.

Inamin ng ina, na kusang sumuko sa DSWD chief, na iyon ang unang pagkakatao­n na iniwan niyang magisa ang kanyang anak sa loob ng kotse. Nangako itong hindi na uulitin ang ginawa.

Ipinagdiii­nan ni Orogo ang kahalagaha­n ng pagtiyak ng magulang sa kaligtasan ng anak sa anumang oras.

“Parents have the utmost responsibi­lity to take care of their children and provide them with proper love, attention, and support. They should always guarantee that the needs of their children are satisfied to ensure their holistic growth and to protect them from harm,” sambit ni Orogo.

Umapela rin siya sa publiko na sa oras na kailangan ng aksiyon mula sa DSWD, maaaring magpadala ng mensahe sa ahensiya sa pamamagita­n ng social media pages at contact numbers upang maiwasan ang trauma o misunderst­andings na sanhi ng

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines