Balita

Siyam tiklo sa cara y cruz

- Orly L. Barcala

Kulong sa pagsusugal ang siyam na lalaki matapos salakayin ang isang lamayan sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Sinalakay ng Police Community Precinct ( PCP) 2, sa pangunguna ni Police Insp. Edwin Maalay, ang isang lamayan na iniulat na malakihan ang pusta sa cara y cruz sa Block 5, Phase 2 Degula Compound, Barangay Gen. T. de Leon sa nasabing lungsod, dakong 10: 00 ng gabi.

Kinilala ang mga inaresto na sina Darwin Manuel Andaya, 33; Jocel Soriano Dasalla, 21; Rafael Seminiano, 26; Arnold Buenaflor, 35; Renier Degula, 35; Reynaldo Servida, 20; Rinz Darrel Bation; Ronaldo Sadora; at Edwin Alota, pawang nasa hustong gulang.

“Kahit po sa patay, mahigpit ang bilin ng ating Mayor Rex na bawal ang sugal,” paliwanag ni Insp. Maalay.

Nahaharap sa kaukulang kaso ang mga suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines