Balita

Bebot kulong sa pagnanakaw ng baril

- Orly L. Barcala

Nagsisisi sa kulungan ang isang babae na nagnakaw ng baril ng kanyang nobyang guwardiya sa isang pampubliko­ng paaralan sa Valenzuela City, nitong Biyernes ng gabi.

Sa report kay David Nicolas Poklay, hepe ng Valenzuela Police, kinilala ang suspek na si Diane Haya-O, 21, ng No. 6 B, A. Marcelo Street, Sitio Sto. Rosario, Barangay Maysan ng nasabing lungsod.

Sa imbestigas­yon nina PO2 Regor Germedia at PO1 Kenneth Pacheo, binisita ni Haya-O ang kanyang nobya sa pinaglilin­gkuran nitong eskuwelaha­n sa M.H. del Pilar, Bgy Malanday.

Makalipas ang isang oras na pagkikita, umalis si Haya-O at napansin ng guwardiya na wala ang kanyang 9mm service firearm sa drawer.

Noong una, desidido ang security agency na kasuhan ang guwardiya ng qualified theft, ngunit hindi pumayag si Sr. Inspector Hizon at muling nagsagawa ng imbestigas­yon.

Pagsapit ng Hulyo 9, bandang 6:00 ng gabi, pinuntahan ng awtoridad si Haya-O at inimbestig­ahan hanggang sa umaming siya ang nagnakaw ng baril ng nobya.

Nabawi sa suspek ang 9mm, kaya kinasuhan ito ng RA 10591 (Illegal possession of fre arm and ammunition) at theft.

Sa panayam ng Balita kay Haya-O, hindi umano siya interesado sa baril sa halip ay nais lang niyang asarin ang nobya dahil nag-away sila nito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines