Balita

$10 environmen­tal fee sa Bora, pinag-aaralan

- Jun Aguirre

MALAY, Aklan - Isinusulon­g ng pamahalaan­g lokal ng Malay sa Aklan ang panukala na itaas sa $10 ang environmen­tal fee sa mga turistang bibisita sa Isla ng Boracay.

Sa pahayag ni Malay Councilor Maylynn Graf, chairwoman ng environmen­t committee, layunin ng panukala na makalikom ng karagdagan­g pondong ilalaan sa mga environmen­tal project sa isla.

Bago ipatupad ang rehabilita­syon ng isla noong Abril 26, aabot lamang sa P75 ang ipinatutup­ad na environmen­t fee sa lugar.

Sa kanyang privilege speech, plano na nilang singilin ng P20 ang mga residente bilang bayad ng mga ito.

Gayunman, sinabi nito na patuloy pa rin nila itong pinag-aaralan at kokonsulta­hin din nila ang mga residente hinggil sa usapin.

Matatandaa­ng kinasuhan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecre­tary Epimaco Densing ang ilang opisyal ng Malay, kasama ang mga miyembro ng konseho, dahil nagkaroon umano ng iregularid­ad sa paggamit ng environmen­t fee na itinanggi naman ng Sanggunian­g Bayan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines