Balita

Negosyante, timbog sa droga

- Fer Taboy

Aresto ang isang negosyante na umano’y sangkot sa pagbebenta ng shabu, sa anti-illegal drugs operations sa Ozamiz City, kamakailan.

Sa report ni Chief Insp. Jovie Espenido, hepe ng Ozamiz City Police Office, ang suspek ay si Jesus Sanciangco IV, ng Purok 5, Barangay Malaubang, Ozamiz City.

Aniya, ang suspek ay pamangkin ni Grace Sangciangc­o, na wanted dahil sa kasong kriminal.

Nakumpiska sa suspek ang ilang pakete ng umano’y shabu, marked money, at ilang drug parapherna­lia.

Nakatakdan­g kasuhan ang suspek ng paglabag sa RA 9165 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines