Balita

2 sugatan sa aksidente

- Leandro Alborote

VICTORIA, Tarlac – Sugatan ang dalawang rider nang maaksident­e sa Victoria- Tarlac City Road, Barangay Bulo, Victoria, Tarlac, nitong Martes ng gabi.

Kinilala ni SPO1 Sonny Abalos, traffic investigat­or, ang mga biktima na sina George Gabalino, 43, ng Purok 5, San Fernando, Victoria, Tarlac; at Natividad Cabungason.

Kapwa binabagtas ng mga biktima ang nasabing lugar nang maganap ang insidente.

Sa pagsisisay­at, hindi nakontrol ni Gabalino ang minamaneho­ng motorsiklo na nagresulta sa pagsalpok nito sa isa pang motorsiklo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines