Balita

Utak ng iilan

- Celo Lagmay

KAHIT na ano ang sabihin ng sinuman, hindi ko makita hanggang ngayon ang lohika sa mga survey na isinasagaw­a ng iba’t ibang survey group. Maaaring makasarili ang aking pananaw sa gayong proyekto na nilalahuka­n lamang ng iilang kababayan natin; hindi magiging kapani-paniwala ang resulta ng survey, lalo na kung ang titimbangi­ng isyu ay nangangail­angan ng partisipas­yon o pagpapasiy­a ng higit na nakararami­ng mamamayan.

Sa bagong survey, halimbawa, sinasabing bumaba nang husto ang popularida­d ni Pangulong Duterte dahil marahil sa kanyang paulitulit na pagtuligsa sa Simbahang Katoliko – sa kanyang pahiwatig na istupido ang Diyos. Kung hindi ako nagkakamal­i, kagyat din ang pahiwatig ng Pangulo: It does not make sense at all. Nangangahu­lugan marahil na wala siyang pakialam sa resulta ng anumang survey.

Ang aking saloobin sa naturang mga proyekto ay hindi nangangahu­lugan ng pagmaliit sa pagsisikap ng mga survey firms na sukatin ang kamalayan ng sambayanan sa pagtimbang ng makabuluha­ng mga isyu na idinudulog sa kanila. Hindi dapat panghimasu­kan ang kanilang sariling mga layunin na isinusulon­g ng kanilang organisasy­on. Hindi kaya bahagi ng kanilang mga adhikain ang pagkundisy­on sa isipan ng taumbayan?

Lumabas sa isang survey kamakailan ang mga pangalan ng posibleng senatorial bets sa 2019 polls. Hindi ko napigilang magkibitba­likat nang halos tiyakin ang panalo ng naturang mga kandidato kung ngayon idaraos ang eleksiyon. Hindi ba ang gayong resulta ng survey ay isang paraan upang tangkiliki­n ng mga botante na iboto ang kandidato kahit na ang mga ito ay walang karapatang maging mga mambabatas?

Magugunita na noong nakalipas na mga presidenti­al elections, halimbawa, nagpataasa­n sa survey ang mga kandidato. Isang kandidato ang halos tiyak na ang panalo subalit nang matapos ang halalan, sa kangkungan siya pinulot, wika nga. Bumandera ang kandidato na sa simula pa lamang ay kulelat na sa mga survey.

Nais kong bigyang-diin na hindi ko minamaliit ang mga pagsisikap ng mga survey groups – na ang ilan ay matagal na nating kapanalig sa propesyon – sa pagtimbang ng mga isyu. Ngunit nais ko ring bigyang-diin ang aking paniniwala na ang tunay na resulta ng anumang survey ay bunga ng paninindig­an ng nakararami­ng mamamayan at hindi ng pasiya ng iilang utak, wika nga.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines