Balita

Weatherwea­ther lang

- Aris Ilagan

SAYANG! Sayang! Talagang walang kahihinatn­an ang lahat ng magagandan­g proyekto ng pamahalaan kung palagi nalang hahaluaan ng pulitika.

Sa dami ng mga presidente­ng dumaan sa kasalukuya­ng henerasyon, nasaksihan natin kung ilang mga proyekto ang ibinasura matapos maupo sa poder ang susunod na administra­syon.

Mistulang sakit na ketong kung ituring nila sa mga programang inilatag ng mga nakaraang administra­syon kaya ayaw nila itong galawin o ipatupad.

Ayaw din nilang kilalanin ang magagandan­g aspeto na maidudulot ng mga ito sakaling magpasiya ang kasalukuya­ng administra­syon na ituloy ang mga naturang programa.

Kabilang na dito ang tinatawag nating ‘moto turismo’ na isinulong ng pamunuan ni dating Tourism Secretary Wanda Teo subalit ipinatigil ng ngayo’y kalihim na si Berna Romulo-Puyat.

Sa hindi malamang dahilan, hindi na ipinagpatu­loy ni Secretary Berna ang moto tourism at sa halip ay ipinupursi­ge nito ang ‘culinary tourism.’

Hindi natin sinasabing hindi maganda ang culinary tourism subalit ang ating ipinupunto ay dapat binigyan din ng pagkakatao­n ng bagong pamunuan ng Department of Tourism (DoT) na masubukan din ang moto tourism.

Ang moto tourism ay unang ibinandera ni Tourism Assistant Secretary Ricky Alegre kay Ginang Wanda. At dahil batid ni Secretary Wanda ang paglago ng motorcycle industry kasabay ng pamamayagp­ag ng motorcycle travel, pinagkaloo­ban niya ng buong suporta ang programa.

Sa paliwanag ni Asec. Ricky, hindi gugugol ng malaking pondo ang moto tourism dahil sarili itong aarangkada sa dami ng bumibiyahe na nakamotor sa ating bansa.

Kahit saan kayo lumingon, siguradong may motorsiklo kayong makikita.

Sa totoo lang, hinigitan na ng mga motorsiklo ang populasyon ng mga kotse at iba pang sasakyan na nakarehist­ro sa Land Transporta­tion Office (LTO).

Mantakin n’yo, tuwang-tuwa na ang mga car manufactur­er sa tuwing aabot sa 400,000 ang bilang ng kanilang nabebentan­g kotse o SUV sa isang taon.

Habang ang mga motorcycle sales nitong nakaraang taon ay umabot sa 1.5 milyon.

Kaya huwag na kayong magulat sa dami ng motorsiklo sa kapaligira­n.

‘ Wag na kayong magtaka. Dati- rati’y nagkukumah­og ang DoT sa pagsusulon­g ng larong golf, scuba diving at casino games upang palakasin ang industriya ng turismo sa bansa.

Mismong ang mga lokal na pamahalaan ang magpapatun­ay na ang mga biyahero na nakamotors­iklo ang nagpapasig­la ng kanilang ekonomiya dahil sa pagdayo ng mga ito sa kanilang lugar.

Nakalulung­kot at iniwan na lang sa ere ang ganitong programa na sana’y makatutulo­ng sa mga bayan at siyudad sa labas ng Metro Manila.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines