Balita

Iza Calzado, starstruck kina Coney at Janine

- Ni NORA V. CALDERON

NAGING busy si Iza Calzado sa ilang showbiz events at endorsemen­ts na kanyang dinaluhan nitong mga nakalipas na araw, kaya pinili muna niyang magpahinga kasama ang fiancé na si Ben Wintle sa Japan. Batay sa kanyang Instagram story, nasa Roponggi Hills sila ngayon.

Ikinuwento rin niya sa kanyang IG story na nakasabay nila sa kanilang flight to Japan sina Ms. Coney Reyes at Kapuso actress Janine Gutierrez. Caption ni Iza: “So happy to be on the same flight these two lovely women whom I adore!” Dagdag pa niya: “Cute din yung guy seated next to me on the plane.” Si Ben ang tinutukoy niya.

Nakasabay ni Iza sina Coney at Janine last Tuesday evening dahil may shoot ang dalawang aktres sa para sa teleseryen­g Victor Magtanggol ng GMA-7, at si Janine ang leading lady ni Alden Richards, habang nanay naman ni Alden sa story si Coney.

Meanwhile, may ongoing show si Iza sa ANC every Sunday evening, tuwing 11:00 ng gabi, ang State of the Art, at tampok dito ang ang Masters of Philippine Art gaya nina Juan Luna, Felix Hidalgo at Vicente Manansala. Bukod sa art works nila, ipinakikit­a rin sa show ang uri ng buhay mayroon ang bawat isa sa kanila. Mapapanood ito sa @anxc. ph with replays on Wednesdays, sa kaparehas na timeslot.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines