Balita

BTS, EXO songs tampok sa 2018 FIFA World Cup stadium

-

HIT songs ng BTS, EXO, Queen, at Imagine Dragons ang patutugtug­in sa isang stadium sa Russia, kung saan ginaganap ang 2018 FIFA World Cup, inanunsiyo ng organisasy­on.

Hiniling ng organisasy­on na iboto ng fans ang mga kantang nais nilang marinig na tumutugtog sa stadium sa apat na social media platforms: sa Facebook, Twitter, Instagram at VK.

At halos limang milyong boto ang pumasok sa online polls.

Nagwagi ang Fake Love ng BTS sa Instagram, Power ng EXO naman sa Twitter, We Will Rock You ng Queen ang nanguna sa Facebook at ang Thunder ng Imagine Dragons ang nakakuha ng No. 1 spot sa VK.

Sa Twitter, nakatangga­p ang BTS at EXO ng 48 percent sa 3.32 million votes ngunit natalo ng EXO ang BTS sa tally.

Nitong lamang Hulyo 7 ay dinala ng EXO ang kanilang EXO Planet #4:

The EℓyXiOn world tour sa Kuala Lumpur, Malaysia. Ang next stops ay sa Seoul at Macau.

Magkakaroo­n naman ang BTS ng photo at video exhibit na may titulong “O, Neul” sa Ara Art Center sa Seoul mula Agosto 25 hanggang Oktubre 28, na kanilang ikalimang anibersary­o since debut.

Samantala, nagsimula ang 2018 FIFA World Cup noong Hunyo 14 at matatapos sa Hulyo 15. Tatlumpu’t dalawang bansa ang nagtutungg­gali sa paligsahan, kabilang ang South Korea, Japan, England, France at Brazil.

 ??  ?? EXO BTS
EXO BTS

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines