Balita

7 kanta ni Drake, pasok sa Top 10 Billboard chart

-

INANGKIN na ni Drake ang Billboard charts, dahil pitong awitin niya ang nakapasok sa Top 10.

Lahat ng 25 tracks mula sa ultra- popular Scorpion album ni Drake, na ini-release noong Hunyo 29, ang nakapasok sa Billboard Hot 100 chart. Top 1 ulit ang kanyang hit song na Nice for What, habang pumangalaw­a naman ang Nonstop. Ang iba pang kanta ni Drake na umarangkad­a sa Top 10 ay ang God’s Plan, In My Feelings, I’m Upset, Emotionles­s at Don’t Matter to Me, kung saan mapakiking­gan ang recorded vocals ni Michael Jackson.

Binasak ng bagong feat ni Drake ang record ng Beatles noong 1964, nang limang kanta ng grupo ang mapabilang sa Top 10, sa kaparehas na linggo. Overall, mayroon si Drake na 31 Top 10 hits, at tie sila ni Rihanna. Sumunod sila sa record ng The Beatles (34) at ni Madonn (38). Ang Scorpion album ay bumenta ng 732,171— batay sa album sales at streams. Nakalikom ang album ng record- setting na 745.9 million on- demand audio streams at ito ang kanyang ikawalong No. 1 album sa chart. Mula noong 2009, 186 na kanta na ang nai- release ni Drake sa Hot 100 chart. Pumangalaw­a siya sa cast ng Glee, na mayroong 207 songs sa chart.

 ??  ?? Drake
Drake

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines