Balita

George Clooney, nakalabas na ng ospital

-

ISINUGOD sa isang ospital sa Sardinia ang aktor na si George Clooney, dahil sa mga natanong sugat, nang masangkot sa aksidente sa motorsiklo.

Kalaunan ay nakalabas din naman ng ospital ang aktor nitong Martes, lahad ng mga opisyal sa John Paul II hospital sa Olbia. Ayon sa local media na sumugod sa ospital, maaari umanong sa side exit si Clooney kaya hindi nila ito nakapanaya­m at nakuhanan ng larawan.

Patungo umano ang 55 taong gulang, ayon sa pahayang La Nuova Sardegna, sa set ng pelikula nitong Martes nang salpukin ng kotse ang minamaneho niyang sasakyan. Ayon sa ulat ng Private Mediaset, naganap umano ang aksidente malapit sa Costa Corallina, sa lalawigan ng Olbia. Hindi pa nagbibigay ng detalye ng pulisya tungkol sa insidente, at hindi pa rin nagpapaunl­ak ng komento ang kinatatwan ni Clooney. May tirahan si Clooney Italian mainland, sa Lake Como.

 ??  ?? George
George

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines