Balita

‘American Idiot’ ng Green Day isasalubon­g kay Trump

-

MUKHANG sasalubung­in si President Donald Trump ng mga British demonstrat­or sa pamamagita­n ng higanteng “Trump Baby” balloon – at ng unique na British musical protest, ayon sa media reports.

Sa nakalipas na dalawang linggo ay inilunsad sa bansa ang isang social media campaign na layuning gawing No. 1 tune ang classic 2004 jam ng Green

Day, ang American Idiot sa UK, na dapat ay sasakto sa pagdating ni Trump sa bansa sa Biyernes.

Adbokasiya ng “Get American Idiot to No.1 for Trump’s UK Visit” Facebook page na magsulong ng isang uri ng musical protest kasabay ng pagbisita ni Trump sa Britain, sa unang pagkakatao­n mula nang mailuklok sa kapangyari­han si Trump. Pagkatapos ianunsiyo ni Trump ang kanyang gagawing “working visit”– na salungat sa isang formal state visit – noong Abril, nagsimula na rin ang kampanya para sa protesta. Hiniling sa kampanya na i-download ng publiko ang American Idiot nitong nakaraang Biyernes, Hulyo 6, at sa darating na Biyernes, Hulyo 13, para maiarangka­da ang 14- year- old single sa top spot sa Official UK Charts. So far, mukhang gumagana ang plano, dahil nasa No. 18 spot na ang awitin sa chart nitong Martes. Isang dekada nang ginagawa ng British people ang ganitong uri ng protesta.

 ??  ?? Billie Joe ng Green Day
Billie Joe ng Green Day

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines