Balita

Beyonce, mangunguna sa S. Africa anti-poverty festival

-

PANGUNGUNA­HAN nina Beyonce at Jay-Z ang A-list lineup na magtatangh­al sa selebrasyo­n ng ika- 100 taong kaarawan ni Nelson Mandela, sa Johannesbu­rg festival, sa pamumuno ng Global Citizen movement, isang hakbang para masugpo ang kahirapan.

Gugunitain sa event na gaganapin sa Disyembre 2, at mapapanood sa buong bansa ang yumaong anti-apartheid icon at imbitado rito ang ilang lider, na layuning bigyang pansin at isapubliko ang mga hakbang na makatutulo­ng upang masugpo ang kahirapan, inanunsiyo ng Global Citizen nitong Lunes.

Tampok sina Beyonce at kanyang asawang si Jay-Z sa headline act sa FNB Stadium kasama ang iba pang mga bituin: Sina Coldplay frontman Chris Martin, English singer-songwriter Ed Sheeran, Pearl Jam singer Edd ie Vedder, hit pop producer Pharrell Williams and R&B chart- topper Usher.

Tampok din sa festival ang ilan sa mga tanyag na musician sa kontinente kabilang sina South African hip-hop producer Cassper Nyovest at Nigerian artists Wizkid, D’banj at Femi Kuti, ang anak ni Afrobeat legend Fela Kuti.

Inihayag ng Global Citizen na umaasa itong makaliliko­m ang festival ng $ 1 billion pondo para matulungan ang mga kapus- palad, at ang kalahati ng pondo ay ilalan naman sa mga kababaihan, bata man o matanda.

Nagsimulan­g magsagawa ng mga festival ang Global Citizen noong 2012 sa New York’s Central Park, upang makibahagi sa taunang rally support ng UN General Assembly, upang labanan ang kahirapan.

Sinabi ni Hugh Evans, founder at CEO ng movement, asahang ang Johannesbu­rg festival ang pinakamala­king Global Citizen festival, in terms of reach, symbolism at lineup.

“On every way that we measure outcomes — the number of citizens engaged, the number of policy outcomes that are achieved, the number of lives that are affected as a result of those policy outcomes — we believe it has the potential to be the most significan­t campaign we’ve ever been part of,” lahad ni Evans sa AFP.

 ??  ?? Beyonce, Jay-Z, at Blue Ivy
Beyonce, Jay-Z, at Blue Ivy

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines