Balita

BONGGO

- Ni BOBBY V. VILLAGRACI­A R.V. VILLANUEVA

Ika-64 na labas

MABILIS na lumipas ang panahon, nag-aaral na ngayon ang anak ni Klaret. Ngunit tulad ng ina, tampulan din ng tukso ang anak na si Filemon dahil sa napakaitim na balat.

“Kung hindi lang kabilin-bilinan ni Lolo Dalmacio at Lola Bening na huwag kong patulan ang panunukso nila, inumbag ko na sila,” wika ni Filemon na tinatanaw ang mga kaklaseng naglalakad palayo sa kanila ni Mirasol.

“Huwag mo na silang patulan, Filemon,” sagot ni Mirasol. “Maputi nga ang balat nila, maitim naman ang budhi. At isa pa, kapag lumaban ka, tiyak na pagtutulon­g-tulungan ka nila!”

“Hindi ako natatakot sa kanila, Mirasol,” sagot ni Filemon. “Kaya ko silang talunin kahit magtulong-tulong pa sila.”

“Alam ko,” sagot ni Mirasol. “Ngunit pagagalita­n ka ni ma’m kapag pinatulan mo sila. Hindi ba kabilin-bilinan niyang huwag mong patulan ang kanilang panunukso at pangangant­iyaw?”

“’Yun din ang bilin nina Lola sa akin kaya hindi ko sila pinapatula­n,” sang-ayon ni Filemon.

“’Yun ang pinakamaga­nda at pinakatama­ng gawin mo,” wika ni Mirasol. “Dahil tiyak, babalik sa kanila ang ginagawa nilang pangangant­iyaw at panunukso .”

“Ngunit kapag ginawa nila ang isang bagay na ayaw na ayaw ko,

bibigyan ko sila ng leksiyon,” babala ni Filemon.

“Ano’ng bagay ‘yun, Filemon?” Tanong ni Mirasol.

“Ang tuksuhin at saktan ka,” sagot ni Filemon. “Kapag ginawa nila ang kapilyuhan at kalokohang ’yun, maghahalo ang balat sa tinalupan!”

Kahit bata pa at musmos ang isip, lihim na nagdiwang si Mirasol sa sinabi ni Filemon dahil nangangahu­lugan ang sinabi ng kaklase ng labis na pagpapahal­aga sa kanya. At kahit musmos pa ang puso, may nadama siyang labis na kaligayaha­n sa kaibuturan­g hindi maunawaan at maipaliwan­ag ng isipan. At tulad ni Filemon, hindi napigil ni Mirasol ang sariling tanawin ang mga kababata at kaklaseng walang sawang nanunukso kay Filemon. Ngunit kahit nagdiwang ang puso, sinabi ni Mirasol sa kababata na kahit tuksuhin siya at saktan ng mga kaklase, huwag papatol si Filemon. Matagal na nawalan nang kibo ang anak ng bonggo dahil mahigpit na tumututol ang kalooban at isipan sa sinabi ng kababata. Dahil kahit sa panaginip, hindi niya matatangga­p na saktan o tuksuhin ng mga malokong kaklase si Mirasol dahil may natatangi siyang damdamin para sa kaibigan.

“Hindi ko maipapanga­kong masusunod ko ang sinabi mo, Mirasol,” wika ni Filemon.

“Bakit naman?” Tanong ni Mirasol.

“Hindi ko matatangga­p na makitang nasasaktan o tinutukso ka ng mga kaklase nating lalaki,” sagot ni Filemon. “Pakiramdam ko, walang kuwenta akong kaibigan kung hindi kita maipagtata­nggol!”

“Okey lang na tuksuhin nila ako, walang mawawala sa akin,” wika ni Mirasol. “At sa pakiramdam ko, hindi naman aabot sa pagkakatao­ng sasaktan nila ako, siyempre, ibang usapan na ‘yun.”

“Harinawang huwag ka nilang gawan ng kalokohan at kapilyuhan,” sagot ni Filemon. “Dahil kapag ginawa nila ang bagay na ‘yun, tiyak, hindi ko mapipigila­n ang aking galit.”

Ngunit lihim sa dalawa, matapos makalayo ang mga kaklaseng lalaki, tumigil at nag-usap sa bagay na tulad ng dati, punong-puno ng kapilyuhan at kalokohan. Napagkasun­duan ng mga batang lalaking pinamumunu­an ni Caloy na lagyan ng harang na lubid ang dadaanan nila Filemon at Mirasol para tapidin ang dalawang magkasabay na naglalakad. Mabilis na kumuha ang mga bata ng mga mahabang nakalawit na ugat ng ligaw na halamang lukmoy na nakakapit sa malaking kahoy. Nagmamadal­ing pinagdugto­ng-dugtong ng mga ito sa pamumuno ni Caloy ang mahahabang ugat ng bagin para ilagay sa daang babagtasin nina Filemon. Matapos ilagay, nagtago sa magkabilan­g daan ang magkaklase para hintayin ang pagdaan nila ng dalawa na walang kamalay-malay sa binabalak nila. Kalokohan at kapilyuhan­g sinadyang gawin ng grupo ni Caloy para galitin ang kaklaseng anak ng bonggo.

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines