Balita

PACMAN VS MACHINE

Istorya sa Pahina

- RIO DELUVIO

KUALA LUMPUR, Malaysia – Tapos na ang balitaktak­an at hamunan. Ngayon na ang araw ng pagtutuos.

Wala nang alalahanin at handa na ang lahat para saksihan ang worldclass welterweig­ht boxing showdown sa pakikipagt­uos ni eight division world champion Manny Pacquiao at reigning WBA Welterweig­ht World Champion Lucas Matthysse ngayon sa Axiata Arena dito.

Kapwa pasok sa takdang timbang ang dalawa sa ginawang weigh-in kahapon sa MITEC Center kung saan tumimbang ang Pambang Kamao sa 146 lbs, habang mabigat ng bahagya ang kampeon na si Matthysse sa timbang na 146.7 lbs.

“This is it. Ready na tayo,” pahayag ni Pacquiao.

Lusot din sa timbang sina Filipino Jhack Tepora, may bigat na 126.5lbs. para sa kanyang interim WBA Featherwei­ght World Championsh­ip bout kontra Mexico’s Edivaldo Ortega, na tumimbang sa 125.4-lbs.

Sa iba pang laban sa fight card, pasok sa timbang na 111.5 lbs. si South African Moruti Mthalane laban kay South Korea’s Muhammad Waseem na may timbang na 111.3-lbs. para sa bakanteng IBF Flyweight World Championsh­ip.

May bigat naming 106.4 lbs si Venezuelan reigning WBA Light Flyweight World Champion Carlos Canizales na sasabak kontra China’s Lu Bin, tumimbang sa 106.7 lbs.

Inamin ni Matthysse na mabigat na kalaban si Pacquiao at kilala bilang “Mexecution­er’ bunsod nang panalo sa mga Mexican fighters tulad nina

Erik Morales, Marco Antonio Barrera, Juan Manuel Marquez, Oscar De La Hoya, at Antonio Margarito.

Isa naman si Marquez sa dalawang Mexican boxers na nakapanalo kay Pacquiao nang mapatumba niya ang Pinoy boxing legend sa 6th round ng kanilang duwelo noong 2012, habang nakaisa si Morales sa kanilang tatlong laban via decision.

“Yeah, I know that [he’s called the Mexicution­er]. I know he’s great against Mexicans, but I’m sorry to say that he has yet to fight and win over an Argentine,” pahayag ni Matthysse.

Iginiit naman ni Oscar De La Hoya, CEO ng Golden Boy Promotions at promoter ni Matthysse, na magiging maaksiyon at kapanapana­bik ang laban.

 ??  ?? ETO NA! Nagharap sa weigh-in event kahapon sa Kuala Lumpur, Malaysia sina Senator Manny ‘Pacman’ Pacquiao at Lucas ‘The Machine’ Matthysse ng Argentina, na magtutuos ngayong Linggo para sa world welterweig­ht boxing championsh­ip title.
ETO NA! Nagharap sa weigh-in event kahapon sa Kuala Lumpur, Malaysia sina Senator Manny ‘Pacman’ Pacquiao at Lucas ‘The Machine’ Matthysse ng Argentina, na magtutuos ngayong Linggo para sa world welterweig­ht boxing championsh­ip title.
 ?? CEDRICK BASCO ?? KAPWA walang naging problema sa ginawang weight-in sina Manny Pacquiao at Lucas Matthysse para sa kanilang WBA welterweig­ht world title bout ngayon sa Kuala Lumpur, Malaysia.
CEDRICK BASCO KAPWA walang naging problema sa ginawang weight-in sina Manny Pacquiao at Lucas Matthysse para sa kanilang WBA welterweig­ht world title bout ngayon sa Kuala Lumpur, Malaysia.
 ??  ?? AX KICK! Ipinamalas ng Perpetual Help University ang determinas­yon sa bawat pagkakatao­n para gapiin ang Letran sa NCAA men’s basketball nitong Biyernes sa Flying V Center.
AX KICK! Ipinamalas ng Perpetual Help University ang determinas­yon sa bawat pagkakatao­n para gapiin ang Letran sa NCAA men’s basketball nitong Biyernes sa Flying V Center.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines