Balita

4 na pulis sa madugong drug raid, sinibak

- Calvin D. Cordova

CEBU CITY - Sinibak sa puwesto ang apat na pulis-Cebu City kaugnay ng pagkasawi ng isang 4-anyos na lalaki sa anti-illegal drugs operation sa nasabing lungsod, kamakailan.

Mismong si PNP Chief Director General Oscar Albayalde

ang naglabas ng kautusan laban apat na pulis, na nakatalaga sa Drug Enforcemen­t Unit ng Carbon police station.

Gayunman, hindi muna tinukoy Cebu City police director Senior Supt. Royina Garma ang pagkakakil­anlan ng mga pulis na pansamanta­lang inilipat sa Police Regional Office-Central Visayas kung saan sila isasailali­m sa debriefing.

Nauna nang inihayag ni Garma na negatibo sa paraffin test ang apat na pulis, gayundin ang kanilang service firearms.

"The investigat­ion will push through because these tests are not conclusive but just corroborat­ive evidence," paglilinaw ni Garma.

Rumesponde ang apat na pulis sa isang barung-barong sa Barangay Ermita, matapos silang makatangga­p ng impormasyo­ng may mga sumisingho­t at nagre-repack ng shabu sa lugar, nitong Hunyo 10.

Sa nasabing lugar, nakita ng mga pulis ang ilang lalaki na nagpa-pot session at nagbabalot ng droga.

Nang arestuhin, inagaw umano ng mga suspek ang baril ng isa sa mga pulis hanggang sa ito ay pumutok.

Dahil dito, nagawang makatakas ng mga suspek sa kabila ng paghabol sa kanila ng raiding team.

Sa pagbalik sa lugar, nakita ng awtoridad ang isang bata sa katabing barung-barong at duguang nakabulagt­a nang tamaan ng ligaw na bala.

Ayon sa ina ng bata, gumagawa lamang ng takdang-aralin ang bata nang maganap ang insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines