Balita

Company manager, utak sa Bote slay

- NI AARON B. RECUENCO

Alitan sa isang constructi­on project sa Minalungao Eco-Tourism Park sa Nueva Ecija ang lumabas na motibo sa pamamaslan­g kay General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote, kamakailan.

Ito ang inihayag kahapon ni Chief Supt. Amado Corpus, director ng Central Luzon police, kasabay na rin ng pagbubunya­g nila sa pagkakakil­anlan ng umano’y utak sa pamamaslan­g.

Aniya, manager ng isang constructi­on company sa lalawigan, sa katauhan ni Christian Saquilabio­n, ang isa umano sa nag-utos sa dalawang gunman na patayin ang alkalde, kapalit ng malaking bayad sa mga ito.

Nitong nakaraang linggo, ikinanta nina Florencio Suarez at Robertlyn Gumatay ang pangalan ni Saquilabon na nakipag-usap umano sa kanila upang paslangin si Bote.

Si Bote ay binaril sa harapan ng gusali ng National Irrigation Administra­tion (NIA) sa Cabanatuan City, nitong Hulyo 3 ng hapon.

“They (gunmen) were paid P25,000 for it. Based on the judicial confession of the suspects on our custody, it was Christian Saquilabon who allegedly contacted them for the (killing) contract,” pagdidiin ni Corpus.

Bukod kina Suarez at Gumatay, sumuko rin sa pulisya si Arnold Gamboa matapos ang pamamaslan­g.

Ayon kay Corpus, matagal nang kakilala ni Saquilabon si Suarez hanggang sa planuhin ng mga ito ang pagpatay kay Bote.

“Aside from the judicial confession, the confirmato­ry forensics on the firearms seized from Suarez and Gumatay during their arrest proved to be used in the killing of Mayor Bote, and therefore made them credible,” pahayag pa ni Corpus.

Aminado naman si Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde na nagpadala na ng surrender feeler si Saquilabon kamakailan, ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa ito sumusuko.

Nakatakda namang sampahan ng kaso ang mga suspek ngayong araw.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines