Balita

Apat timbog og sa R3- M shabu abu

- Ni FER TABOY

Nadakip ang apat na katao makaraang makumpiska­han umano ng aabot sa P3.3 milyon halaga ng shabu sa magkakahiw­alay na pagsalakay ng pulisya sa Cavite, iniulat ng pulisya kahapon.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO)-4A, isinagawa ang buy-bust operation sa Dasmariñas City at Bacoor City nitong Linggo ng gabi hanggang kahapon ng madaling araw.

Unang naaresto sina Jamila Alonto, alyas “Gemma Jose”; at Lanie Garcia, sa Barangay Datu Esmael, Dasmariñas City.

Nauna rito, nakatangga­p ang Cavite Police Provincial Office ng sumbong mula sa isang impormante tungkol sa pagtutulak umano ng droga nina Alonto at Garcia.

Nakabili umano ang pulis na poseur buyer ng 150 gramo ng shabu mula sa mga suspek, at kaagad na dinakip ng pulisya.

Bukod dito, nakakumpis­ka pa umano ang pulisya ng 300 gramo ng shabu mula sa mga suspek nang kapkapan ang mga ito.

Nadakip naman ng pulisya sa Bacoor City si Marvin Destajo, hinihinala­ng tulak sa Bgy. Zapote V.

Nagpapatro­lya ang mga opisyal ng nabanggit na barangay nang natiyempuh­an umano si Destajo na may dalang isang sachet ng shabu.

Samantala, nadakip naman sa bisa ng search warrant si Julieta Tabor, ng Cavite City, at nasamsaman umano ng tatlong plastic ng hinihinala­ng shabu.

Nakapiit na ang apat na suspek na kakasuhan ng paglabag sa Comprehens­ive Dangerous Drugs Act (RA 9165).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines