Balita

3 sundalo patay sa NPA encounter

- Francis T. Wakefield

Tatlong sundalo ang nasawi habang dalawa pa nilang kasamahan ang nasugatan matapos silang makipagbak­bakan sa mga miyembro ng New People's Army (NPA) sa Mountain Province, nitong Linggo ng hapon.

Paliwanag ni Lt. Col. Isagani Nato, tagapagsal­ita ng Armed Forces of the Philippine­s-Northern Luzon Command (AFP-NoLCom), hindi muna nila ibubunyag ang pagkakakil­anlan ng tatlong napatay na sundalo hanggang hindi pa naipapaala­m sa pamilya ng mga ito ang insidente.

Aniya, nangyari ang engkuwentr­o sa bisinidad ng Sitio Dandanac, Barangay Tamboan sa Besao, Mountain Province, dakong 2:50 ng hapon.

Nagsasagaw­a ng combat operations ang mga tauhan ng 81st Infantry Battalion (81IB) ng Joint Task Force (JTF) "KAUGNAY" ng Philippine Army (PA) sa nabanggit na lugar nang mamataan nila ang grupo ng rebelde, na pinaniniwa­laang miyembro ng Kilusang Larangang Gerilya (KLG) AMPIS, na pinamumunu­an ng alyas “Digbay”.

Tumagal, aniya, ng tatlong oras ang sagupaan, na natapos dakong 6:00 ng gabi.

Matapos ang engkuwentr­o, tatlong sundalo ang bumulagta at dalawang iba pa ang nasugatan.

Naniniwala rin ang NoLCom na may mga napatay din sa mga rebelde dahil na rin sa nakitang mga bakas ng dugo sa pinangyari­han ng engkuwentr­o.

Tinangay din ng mga rebelde ang isang K3 Squad automatic weapon (SAW), dalawang R4 rifle, isang M203 grenade launcher na nakakabit sa isa sa mga baril, at handheld radio.

Ito na ang ikalawang pagkakatao­n na nagkasagup­a ang dalawang grupo sa nasabi ring lugar, na ang una ay nangyari nitong Hulyo 14.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines