Balita

Maine, kumpirmado­ng nasa Vic-Coco movie

- Ni NORA CALDERON

SINAGOT

na ng All Access to Artists (Triple A agency) ang tanong ng fans ni phenomenal star Maine Mendoza, na isa sa mga talents nila. Post nila: “Maine Mendoza will star alongside Vic Sotto for the upcoming MMFF entry Popoy en Jack: The Puliscredi­bles.”

Simula pa nang inanunsiyo ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 na tuloy ang pagsasama sa pelikula nina Comedy King

Vic Sotto at Action King Coco Martin, lumitaw agad ang requests ng mga fan kung pwedeng isali si Maine as leading lady ni Coco. Tutal daw naman ay may kontrata rin si Maine sa mga producer sa APT Entertainm­ent. Kasunod nito ay lumabas ang mga interview kay Coco na inaayos pa raw nila ni Vic ang script at gusto rin daw naman niyang makatrabah­o si Maine, na mahal siya ng masa at ng fans.

As of now, hindi pa sinasabi nina Vic at Coco kung ano ang story ng Popoy en Jack: The

Puliscredi­bles, maliban sa istorya ito ng dalawang pulis: Ang isa ay mabait (Coco) at ang hindi naman maganda ang record ng isa (Vic). But for sure, dito na papasok ang mga comedy scene ng dalawa. May fans din namang nagri-request kung puwedeng ang maging leading ladies nina Vic at Coco ay sina

Pauleen Luna at Julia Montes, respective­ly, para raw true-to-life partners. Kaya hindi pa rin nila sinasabi kung ano ba ang magiging role ni Maine sa movie na ididirek ni Mike Tuviera.

Kasalukuya­n nang nagsu-shoot ng nasabing pelikula sina Vic at Coco dahil sa September 21, 2018 na ang deadline for submission nito sa Executive Committee ng MMFF.

 ??  ??
 ?? Vic, Coco at Maine ??
Vic, Coco at Maine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines