Balita

TV at gadget addiction, ’di ilegal pero masama

- Ni Mary Ann Santiago

Kahit hindi ilegal ay nakakaapek­to rin umano sa lipunan ang adiksiyon ng ilang tao sa telebisyon at gadgets.

Ito ang inihayag ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa kanyang homily sa pagpapasin­aya sa kauna-unahang Sanlakbay Recovery and Restoratio­n Center sa Sta. Cruz, Manila.

Aniya, bukod sa adiksiyon sa illegal na droga ay dapat ding tutukan ang iba’t iba pang uri ng adiksyon, na nakakaapek­to sa lipunan at pamilya, tulad na lamang, aniya, ng gadget addiction, at labis-labis na panonood ng telebisyon.

Ipinaliwan­ag ni Tagle na bagamat hindi nasasakop bilang ilegal sa batas ay nagdudulot din ito ng epekto sa pakikipag-kapwa tao at relasyon sa ating pamilya.

“Lahat naman tayo may kanyakanya­ng addiction, kaya lang ‘yung iba legal. Kaya tuloy lang. ‘Yung mga addicted sa cell phone, addiction din ‘yan. Minsan kaharap mo na ‘yung misis mo hindi mo nga tinitingna­n ang misis mo. O kaya ‘yung mga teleserye kahit na hindi makakain ng hapunan, kahit na hindi maghanda ng hapunan, huwag lang lalagpasan,” ani Tagle.

Kaugnay nito, hinimok ng Cardinal ang bawat isa na iwaksi ang paghuhusga sa ibang tao, tulad ng mga drug addict, bagkus ay magtulunga­n para sa sama-samang paghilom.

“Minsan bago tayo maghusga, katulad ni Isaias kasama pala tayo sa bayan na mayroon ding mga karupukan at sa karupukan samasama rin tayong naglalakba­y. At sa pag-ibig ng Diyos, sama-sama rin tayong maglakbay para sa samasamang paghihilom at ang nahihilom dyan ang pamilya, ang sambayanan,” aniya pa.

Sa isang mensahe ni Pope Francis, hinihikaya­t niya ang bawat isa na maglaan ng panahon para sa pakikisala­muha sa kapwa at pagbibigay-oras sa pamilya, hindi lamang sa paraan ng makabagong teknolohiy­a, kundi sa pamamagita­n ng personal na presensiya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines