Balita

Hindi na kailangan pang ipagpaliba­n ang nakatakdan­g halalan

-

DAPAT

malaman ng mga kongresist­a na sa tuwing iminumungk­ahi nilang ipagpaliba­n ang halalan, naghihinal­a ang publiko na may masamang rason ito. Sa nakalipas na panahon, ang dahilan ay ang kagustuhan­g mapahaba ang termino ng mga nakaupong opisyal nang hindi dumadaan sa halalan.

Hindi rin makatutulo­ng kung ang ibibigay na rason para sa “no election” ay upang mapabilis ang pagpapalit ng sistema sa pederalism­o sa pamamagita­n ng pag-amyenda sa Konstitusy­on. Sa isang survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) nitong nakaraang Marso, lumalabas na tanging 27 porsiyento lamang ng mga Pilipino ang nakaaalam ng Pederalism­o; at 37% lamang ang nagsabing susuportah­an nila ito, laban sa 29% kontra, at 34% walang tugon.

Para sa ating mga mambabatas ngayon, ang pagpapalib­an ng eleksiyon para sa pederalism­o ay hindi uubra sa mga botanteng nagpapahal­aga sa halalan. Nararamdam­an ng marami na ito ang tanging panahon at pagkakatao­n para mapakingga­n sila ng mga pulitiko. Tila isang piyesta ang halalan dahil sa malaking pondo sa kampanya na nagbibigay ng pondo para sa maraming aktibidad. At isang sumpa sa mga pulitiko kung ipagpapali­ban ang halalan sa anumang rason.

Nariyan din ang Konstitusy­unal na rason, kaya kinakailan­gang idaos ang halalan tulad ng itinakda. Inihahalal ang isang senador para sa anim na taong termino, tatlong taon para sa mga kongresist­a at hindi na maaaring magsilbi nang lampas sa itinakdang termino, maliban na lamang kung muli silang manalo sa eleksiyon. Kung walang halalan, mawawalan ng miyembro ang Kamara at kalahati lamang ang matitirang miyembro ng Senado.

Sa kanyang mungkahing pagkansela ng halalan sa Mayo, 2019, sinabi ni Speaker Pantaleon Alvarez na sa kasalukuya­ng schedule ay ang Kongreso, bilang isang Constituen­t Assembly, ay kinakailan­gang magdoble-kayod para sa burador na inihanda ng Consultati­ve Committee na itinalaga ni Pangulong Duterte, habang kasabay nito ang pagdinig sa pambansang budget. Pagkatapos nito, sa Oktubre, aniya, maghahain ng kandidatur­a ang mga mambabatas na nagnanais na muling mahalal. Matapos nito’y panahon na ng Pasko sa Disyembre. At pagpatak ng Enero 2019, magsisimul­a nang mag-ikot sa buong bansa ang mga kumakandid­ato. “So how are we going to revise or amend the Constituti­on? If we want to finish, for me, we need to rethink the timetable.”

Ang Kongreso, sa pagpupulon­g sa Constituen­t Assembly, ay kayang-kayang bumuo ng malinaw na plano at mag-organisa para matapos ang paglalatag ng bagong Konstitusy­on kung nanaisin nila. Lalo’t malaking bahagi ng trabaho ang natapos na ng Consultati­ve Committee, sa pamumuno ni dating Chief Justice Renato Puno. Anumang pagbabago ay madali na lamang mapagdesis­yunan ng Kongreso sa Consultati­ve Assembly, kasama ng malaking bilang ng makaadmini­strasyong miyembro.

Kayang-kayang aprubahan ang bagong pederal na konstitusy­on sa loob ng itinakdang panahon. Mayroon pang sampung buwan simula ngayon hanggang sa kalagitnaa­n ng susunod na taon. Hindi nito kinakailan­gan ipagpaliba­n ang halalan na itinakda ng Konstitusy­on sa Mayo 2019.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines