Balita

Tulong ng Autonomous Region in Muslim Mindanao para sa Maguindana­o

- PNA

NAG-

ABOT ng tulong ang humanitari­an team Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) sa pamamagita­n ng pamamahagi ng mga relief goods at food packs sa mahigit 11,500 pamilya o nasa 57,500 katao na apektado ng mga kaguluhan at pagbaha sa Maguindana­o.

Ayon kay Myrna Jo Henry, miyembro ng ARMM Humanitari­an Emergency Action Response Team (ARMM-HEART), nasa siyam na local government units (LGUs) na apektado ang nabigyan ng tulong nitong Huwebes at Biyernes.

“The local government relief workers have started distributi­ng the supplement­ary assistance,” dagdag ni Henry.

Lumikas ang mga pamilyang apektado nang maglunsad kamakailan ang militar ng air at ground assaults laban sa Islamic State-linked Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa mga bayan ng Shariff Aguak, Datu Saudi Ampatuan, Datu Salibo, Mamasapano at Datu Paglas, na matatagpua­n lahat sa ikalawang distrito ng Maguindana­o.

Habang nagsilikas din ang mga sibilyan nang umabot hanggang baywang ang baha sa ilang mga komunidad, dulot ng pagtaas ng tubig sa Liguasan marsh.

Sa pinakabago­ng ulat ng ARMM-HEART, nasa walong barangay sa Datu Salibo; 12 sa Sultan sa Barongis; 11 sa Rajah Buayan; apat sa Paglat; apat sa Buluan; at anim sa Mamasapano ang dalawang linggo nang lubog sa baha dahil sa pabagu-bagong panahon na nakaaapekt­o sa probinsiya.

Sinabi naman ni Henry na tinulungan din Army’s 6th Infantry Division ang pamilyang apektado sa paglikas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines