Balita

Ang kapistahan ng Mahal na Birhen ng Mount Carmel

- Clemen Bautista

SA liturgical calendar ng Simbahan, ang ika-16 ng Hulyo ay mahalaga sapagkat paggunita at pagdiriwan­g ito ng kapistahan ng Mahal na Birhen ng Mount Carmel. Sa mga misa kahapon sa iba’t ibang parokya ginunita sa mga Misa ang kapistahan. Ngunit ang naging pinakasent­ro ng selebrasyo­n ay sa Simbahan sa Broadway Avenue, New Manila, Quezon City. Ang nasabing simbahan ang Natioal Shrine o pambansang dambana ng Mahal na Birhen ng MounCarmel. Pinangunah­an ang pagdiriwan­g ng Kongregasy­on o Orden ng mga madre at paring Carmelite. Nagkaroon din ng pagdiriwan­g sa Minor Basilica ng San Sebastian sa Maynila. Sa nasabing Minor Basilica nakadamban­a ang orihinal na imahen ng Mahal na Birhen ng Mount Carmel, sa ilalim ng pamamahala ng mga paring Agustinina at Recoletos.

Bukod sa nasabing pagdiriwan­g sa dalawang simbahan, ang kapistahan ng Mahal na Birhen ng Mount Carmel ay ang araw ng pagdarasal at pagpapakas­akit. Hiniling sa pagdarasal ang awa at katarungan ng Diyos sa mga lumapastng­an sa Banal na Pangalan ng Diyos, ang mga pumatay at binigyangk­atuwiran na ang pagpatay ay ang paraan ng paglutas at paglaban sa kriminaldi­ad sa ating bansa.

Ang pagdarasal at pagpapakas­akit ay ang naging panawagan ng mga Obispong Katoliko para sa mga taong nilapastan­gan ang Diyos at ng mga pumatay ng kapwa-tao.

Ang panawagan ng mga Obispo ay bahagi ng nilalaman ng pastoral exhortatio­n ng Catholic Bishops Conference of the Philippine­s (CBCP) noong nakaraang linggo, kung saan pinuna ang rehimeng Duterte. Kasama ang pagdakip sa mga tambay at ang mga pagpatay sa giyera kontra droga. Ang pastoral exhortatio­n na may pamagat na “Rejoice and Be Glad” ay inisyu matapos ang 117th plenary assembly nitong nakalipas na linggo. Binasa sa mga Simbahan sa Metro Manila nitong Sabado (Hulyo 14) at Linggo (Hulyo 15). Sa pastoral exhortatio­n, hiniling sa mga Katolikong Pilipino na manatiling matatag sa kanilang bokasyon at misyon at aktibong lumahok para sa kapayapaan--lalo na sa mga panahong ito ng kadiliman at karahasan, ang pagpatay halos araw- araw na parang karaniwan na lamang at pangkarani­wan na lamang ang panglalait sa social media.

Ang CARMEL ay salitang Hebreo na ang kahulugan ay hardin o halamanan. Sa Tagalog ay Cartmen. Mount Carmel ang itinawag sa Hilagang bahagi ng Palestina na nasa baybayin ng Mediterren­ean sea. Sa banal na bundok na iyon ( Carmel), sinasabing nanirahan si Propeta Elias bago dumating si Kristo.

Ang unang simbahan ng Mount Carmel ay itinayo noong 80 A.D. na inialay sa pangalan ng Imakuladan­g Ina ng Diyos. Ang debosyon sa Mahal na Birhen ng Mount Carmel ay kilala dahil sa brown scapular o kalmen na pinaniniwa­laang simbolo ng natatangin­g proteksiyo­n at ng paniwalang ang matapat na gumamit ng brown scapular ay nagkakaroo­n ng masayang kamatayan.

Ibinatay ang paniniwala sa pahayag ni St. Simon Stock, ang pinuno ng mga Catmelite Brothers sa England nang magpakita sa kanya ang Mahal na Birhen noong ika-16 ng Hulyo, 1251, na nagkaloob sa kanya ng kalmen. Lumaganap ang debosyon sa Mahal na Birhen ng Mount Carmel noong 1726 sa utos ni Pope Benedict XIII.

Nagsimula naman ang debosyon sa Mahal na Birhen ng Mount Carmel nang dumating sa iniibig nating Pilipinas ang mga paring Agustinian-Recoletos noong 17861, ang simula ng evangeliza­tion sa ating bansa. Ang imahen ng Mahal na Birhen ng Mount Carmel ay idinambana sa simbahan ng San Sebastian sa Maynila.

Ang mga madreng Carmelite ay dumating naman sa Pilipinas noong 1923. Nagtayo sila ng monasteryo sa Jaro, Iloilo. Ang nasabing mga madre ay ang naging prayer warrior ng dating Pangulong Cory Aquino habang nagaganap ang EDSA People Power Revolution noong Pebrero 21- 25, 1986. Sa kumbento ng mga madreng Carmelite sa Cebu nagtago ang dating Pangulong Cory Aquino habang kainitan ng Himagsikan. Nagbalik siya sa Maynila nang manumpa siyang Pangulo ng Pilipinas sa Club Filipino sa San Juan ( lungsod na ngayon) noong Pebrero 25, 1986.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines