Balita

Digong, nagsorry sa God

- Bert de Guzman

MATAPOS

laitin at sabihing “God is Stupid”, humingi na ng paumanhin o patawad si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Diyos. Magandang balita ito sapagkat posibleng naliwanaga­n na rin ang isip ng ating Pangulo. ‘ Di ba naniniwala siyang ang kanyang kinilalang God o Diyos ay mabait, maunawain at mapagpataw­ad? Sa kanyang Diyos lang daw siya hihingi ng apology at hindi kaninuman.

Ganito ang pahayag ni PRRD sa wikang English: “If it’s the same God, I’m sorry, that’s how it is. Sorry, God. If God is taken in a generic term by everybody then that’s well and good”. Iyan ang pahayag ni Mano Digong sa video na ipinost ng Presidenti­al Communicat­ions Operations Office (PCOO) sa Facebook nito noong Hulyo 11.

Bigla ang pagbagsak ng satisfacti­on rating ng ating Pangulo sa pinakahuli­ng survey ng Social Weather Stations (SWS) sa second quarter ng taong ito. Batay sa SWS survey results mula Hunyo 27 hanggang 30, may 65 porsyento pa ang satisfied ( nasisiyaha­n) na mga Pilipino samantalan­g 20 porsyento ang dissatisfi­ed ( di- nasisiyaha­han) sa pamamalaka­d o performanc­e ng Pangulo, kung kaya ang net satisfacti­on score ay +45.

Ayon sa ulat, bagamat ang satisfacti­on rating ay itinuturin­g pa ring “good”, bumagsak ito ng 11% sa “very good” +56 noong Marso at + 48% “good” rating noong Setyembre 2017. Binalewala lang ito ng Malacañang at sinabi ni presidenti­al spokesman Harry Roque na hindi nagtatraba­ho si PRRD para lang pataasin ang kanyang popularity ratings.

Para sa mga senador, ang 11point drop ng approval ratings ni PDu30 ay paalala sa Pangulo na dapat siyang kumilos at higit na ituon ang pansin sa mga problema ng bansa at ordinaryon­g mga Pinoy. Sinabi ni Sen. Ralph Recto na ang pagbagsak ng rating ay inaasahan lamang tulad ng iba pang naging presidente.

Ayon sa kanya, hindi makatutulo­ng kay Mano Digong ang pakikipag-away sa Simbahang Katoliko, pagmumura at pagsusulon­g sa pederalism­o dahil sa halip na magkasundo at magkaisa ang mga mamamayan, lalo lang paghihiwal­ayin ng sistemang pederal ang mga tao.

Sa palagay nila, ang pagbagsak ng ratings ng Pangulo ay bunsod din ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ‘di pagkibo sa pananakop ng China sa West Philippine Sea, patuloy na patayan at kurapsiyon. Nangangamb­a sila na baka lalong bumagsak ang approval rating ng Pangulo kapag isinama sa susunod na survey ang tungkol sa pakikipagk­agalit sa mga Katoliko at Kristiyano at paglait sa Diyos.

Naniniwala si Speaker Pantaleon Alvarez na makabubuti sa bansa kung wala na munang eleksiyon sa 2019 upang mapagtuuna­n ang pagpapalit ng sistema ng gobyerno mula sa presidenti­al tungo sa federal. Hindi pumayag ang Philippine National Police ( PNP) sa mungkahi ni Senate Pres. Vicente Sotto na payagang magsagawa ng committee hearings si Sen. Leila de Lima sa kanyang selda.

Si Sen. Antonio Trillanes ay pinayagang magsagawa ng mga pagdinig noong siya’y nakakulong sa Camp Crame kahit kagalit niya ang noon ay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. ‘Di rin pinayagan si De Lima na makadalo sa graduation ng kanyang anak, pero sina Sen. Jinggoy Estrada ay pinayagang makadalo samantalan­g si Sen. Bong Revilla ay pinayagang makalabas para dalawin ang nabaril na anak noon at ang may sakit na ama.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines