Balita

DongYan, weekend grande sa Batangas

- Nora V. Calderon

SINAMANTAL­A

ng mag- asawang Dingdong at Marian Dantes ang kanilang weekend nang parehas na maging libre mula sa trabaho, at nagtungo sa Batangas para magbakasyo­n.

Wala kasing Sunday PinaSaya si Marian last July 15, dahil coverage ng GMA Network ang Pacquiao-Matthysse fight na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Naikuwento dati ni Marian na dalawang beses na raw silang nakapanood ng laban ni Senator Manny Pacquiao sa Las Vegas, pero lagi raw talo, kaya siguro kahit malapit lang ang Malaysia, ay dito na lamang sila nagpahinga.

Batay sa Instagram story ni Marian, nagenjoy siyang mag- swimming habang si Dingdong ay busy na nagbabasa ng libro, na dala niya sa bakasyon. Nag-aaral kasi ang Kapuso Primetime King sa

University of the Phillipine­s ng master’s degree in public administra­tion.

Magiging busy na rin si Dingdong dahil magsisimul­a na siyang mag-taping para sa bago niyang teleserye sa GMA Network, ang seryeng pagsasamah­an daw nila ni Dennis Trillo. At since announced nang sila ni Richard Gutierrez ang makakasama ni Vice Ganda sa entry nito sa Metro Manila Film Festival 2018, ang Fantastica:

The Princess, The Prince and The Perya, anytime siguro ay magsu-shooting na rin siya.

May balita naman na may gagawin ding movie si Marian for the MMFF pero wala pang malinaw na announceme­nt kung totoo ito. Hindi pa rin siya magsisimul­ang magtaping ng bago niyang teleserye sa GMA dahil mauuna si Dingdong, since hindi nila puwedeng iwanang mag-isa si baby Zia. Sa ngayon, busy si Marian sa mga dumarami pa niyang endorsemen­ts at sa kanyang

Tadhana program every Saturday at sa Sunday PinaSaya, dahil na naghahanda na sila para sa month-long third anniversar­y ng show sa August.

 ?? Marian Dingdong ??
Marian Dingdong

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines