Balita

Paris Jackson, umaming bisexual

-

INAMIN

ni Paris Jackson sa kanyang fans na siya ay bisexual.

Sinabi ng 20 taong gulang na model at aktres sa kanyang 3.2 million Instagram followers na tanungin siya ng kahit ano, at sa impromptu Q&A niya inihayag kanyang intimate confession tungkol sa kanyang sesksuwali­dad.

“Are you bi?” tanong ng isang fan. Nagreply naman si Paris ng “that’s what you guys call it so i guess but who needs labels.” Ayon sa Cover

Media, nagsimulan­g kumalat ang usap-usapan tungkol sa seksuwalid­ad ng anak ng singer na si Michael Jackson, nang mamataan siyang kasama ang British model na si Cara Delevingne sa isang restaurant sa West Hollywood noong Marso.

Gayunman, sinabi ng mga source, na malapit sa dalawa, sa People na nagsasaya lamang sila at may namamagita­ng “flirty friendship”.

Naging magkaibiga­n ang dalawang bituin sa MTV Movie Awards noong nakaraang taon, at namataang magkahawak ng kamay nang lumabas sa London noong Pebrero. Ang kanyang confession tungkol sa kanyang seksuwalid­ad ay kasunod ng pagpanaw ng lolo niya, si Joe Jackson. Binawian ng buhay ang Jackson family patriarch sa isang ospital sa Las Vegas hospice nitong nakaraang buwan sa edad na 89, dahil sa sakit na pancreatic cancer, at ibinahagi ni Paris na kapiling niya ang lolo hanggang sa mga huling sandali g huli, sa madamdamin­g post sa Instagram. “Spending those last few moments with you were everything. being able to tell you everything i needed to tell you before saying goodbye was such a blessing,” aniya. “Being able to hold your hand, lay with you and cuddle you, give you kisses all over your cheeks and forehead, meant more to me than you’ll ever know. “i love you grandpa. so so so much that words can’t describe. i have immense gratitude for you, and always will. we all feel that way. thank you for everything. truly. rest in peace and transition. i’ll see you in my dreams very very soon.”

 ??  ?? Paris
Paris

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines